APOSTLES: A NAME WE SHOULD TREASURE

August 16th, 2006 by ayc2006

 

Ang Apostles Youth Club po ay isa sa pinakamatagal na CLUB sa bgy. Onse. Founded 1969 na kung saan nagsimula po ang samahan na ito sa isang basketball team, isa sa mga original members nito ay ang kasalukuyang nanunungkulan bilang barangay captain ng by. Onse na si kapitan Jun Manuel. For 37 years ang AYC po ay matatag na samahan sa bgy. Onse na nagpapatu-patuloy ang mga adhikain tungo sa isang mabuti at magandang pamayanan .1993 ng itaguyod ang sumunod na generation at counterfit ng senior/junior members ito ay tinawag na  APOSTLES DARLING na kung saan isa sa nagtatag nito ay si JUDITH MANUEL na naging presidente ng AYC taong 2000 kasama ang DARNA ng  APOSTLES na si JERRY REBELLION na naging presidente din ng AYC taong 1997 . Ang ilan din sa mga naging presidente ng APOSTLES DARLING ay sina Rechel Lao na naninirahan na ngayon sa CANADA at si Chen-Chen Milca, nagsimula ang DARLING sa pagiging INTERMISSION DANCERS nila tuwing may activity ang APOSTLES at lalo pa itong pinatatag ng magkasunod-sunod ang pagkapanalo bilang CHAMPION TEAM sa WOMEN’s VOLLEYBALL mula 1992-1995. Taon 1995 inilunsad ang APOSTLES TWINKLERS sa panunungkulan ng unang babaeng presidente ng AYC na si CATHERINE GONZALES na ngayon ay KAGAWAD ng Bgy. Onse.Ngayon After 11 yrs, ang bagong HENERASYON ng AYC na tinawag na APOSTLES DOLLS ay inilunsad ang matagumpay na programang BEBOT ng APOSTLES sa panunungkulan ng bagong halal na presidente na si JOSHUA MANUEL na mula sa henerasyon ng APOSTLES TWINKLERS,alinsabay sa paglulunsad ng LITTLE MISS ONSE 2006. SAMAKATUWID ang APOSTLES po na minana pa namin sa aming mga NANAY, TATAY, LOLO at LOLA ay PANGALANG kailanman ay di namin DUDUNGISAN sa ano pa mang MARUMING PAMAMARAAN sapagkat sa maniwala po kayo o hindi, isa sa aming natutunan sa aming samahan ay FELLOWSHIP THRU SERVICE, DEDICATION with all HONESTY at higit sa lahat ay ang pagiging isang LIDER na may pagmamahal sa SERBISYO PUBLIKO..mga salitang amin pang ipamamana sa mga susunod pang HENERASYON…ang APOSTLES PO AY ISA SA TANGING YAMAN na maipagmamalaki ng bgy. Onse sa larangan ng PUBLIC SERVICE. Ito po ay pinatunayan ng mga ilan na din naging opisyales at myembro ng apostles na nagkaroon ng pwesto sa KONSEHO na naging TRAINING.GROUND ang APOSTLES gaya ni ARNEL SAN JUAN na naging kapitan noong 1986, MICHAEL MILCA na naging  kagawad noong 1992, CATHERINE GONZALES-MORADO na nanalong number 1 SK KAGAWAD taong 1992 at hanggang ngayon ay nasa ikalawa na niyang termino bilang  number 1 bgy.kagawad at binigyang parangal bilang MOST OUTSTANDING BGY. KAGAWAD 2004 ng BAYAN NG SAN JUAN , sina JUDITH MANUEL at CARNOR GONZALES na nahalal din na mga SK KAGAWAD taong 1996.at higit sa lahat si JUN MANUEL na pinakamatagal na naging pangulo ng APOSTLES ay nahalal bilang bgy. captain ngayon ng bgy. Onse. As they all say APOSTLES breed GOOD LEADERS…. MABUHAY ANG APOSTLES YOUTH CLUB and GLORY BE TO GOD…and we are looking forward to who will be the future PRESIDENT of APOSTLES YOUTH CLUB from the newly generation of APOSTLES DOLLS…